CRISTINE-Reyes-copy-264x300

HINDI na ikinagulat ng buong showbiz ang pag-amin ni Cristine Reyes sa kanyang pagbubuntis. Matagal na kasing alam ng industriya ang kalagayan niya. Katunayan, ilang buwan nang sunud-sunod ang blind items sa naglilihim ng pagbubuntis na very obvious na siya ang tinutukoy.

Pero eksplika ni Cristine, nang ilang sandali namin siyang makausap bago ang guesting niya sa The Buzz nitong nakaraang Linggo, wala naman daw siyang magagawa kung ano ang iniisip o iisipin ng mga tao tungkol sa kanya.

Ang importante, sabi niya ay inamin na niya at hindi raw naman niya iyon itatago.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kaya naman hindi ko agad ibinulgar sa lahat dahil may mga bagay pa kaming pinag-aaralan talaga. Kumbaga, sinisigurado talaga namin na matutuloy ‘yun. Pareho kami ng doktor ko na medyo hindi namin kayang panghawakan na one hundred percent safe ang ipinagbubuntis ko,” paliwanag ni Cristine at idinagdag na iyon ang dahilan kaya nagpapahinga siya at hindi muna tumanggap ng showbiz commitments.

Pero nang sabihin sa kanya ng doktor niya na okey na ang kapit ng bata ay buong pagmamalaki na niyang inamin na nagdadalantao siya.

Binanggit ni Cristine sa The Buzz na ang karelasyong si Ali Kahtibi ang unang sinabihan niya nang malaman niya nagdadalantao siya. Ikinuwento pa niya na dalawang beses sa isang araw ang ginawa niyang pregnancy test para lang makakasiguro talaga.

May mga nakaalam din naman daw na close friends niya at siyempre ang buong pamilya niya. Dagdag pa ng aktres, lahat ay pinaplano nila ni Ali.

Hindi siya maselan sa kanyang paglilihi, kuwento pa niya, pero ang hinahanap niya parati ay ginataang bilo-bilo na may halong langka. Suportado siya ng mga kamag anak ni Ali na lahat ng gusto niyang pagkain ay ibinibigay agad sa kanya.

Secured daw siya sa kanyang showbiz career dahil siguradong hindi naman daw siya pababayaan ng ABS-CBN at ng Viva Films. Natitiyak naman daw niyang gagawa pa rin siya ng projects kahit na isa na siyang ina.