BONG-Revilla

Binigyan ng go-signal ng Sandiganbayan si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na sumailalim sa medical checkup sa St. Luke’s Medical Center dahil sa umano’y matinding sakit ng ulo.

Ginamit na dahilan kahapon ng 1st Division ng anti-graft court ang humanitarian consideration.

Pansamantalang ilalabas ang senador mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center patungo sa nasabing ospital sa Global City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa inilabas na resolusyon ng hukuman, isasagawa ang check-up sa senador mula 6:00 Lunes ng gabi hanggang 12:00 ng tanghali ngayong Martes.

Nauna nang binanggit ng kampo ni Revilla sa kanilang mosyon ang lumalalang migrain nito.

Si Revilla say nakapiit dahil sa kasong plunder at graft kaugnay ng pagkakadawit sa P10 billion pork barrel fund scam.

Bukod kay Revilla, nakapiit din ngayon ang mga kasamahang akusado ng senador na sina Senator Juan Ponce Enrile at Senator Jinggoy Estrada.