Bahagyang nakabawi sa satisfaction rating ang  administrasyong Aquino matapos itong pumalo sa record low sa nakaraang second quarter ng 2014.

Magugunitang  pumalo sa  “moderate” +29 ang net satisfaction rating ng pamahalaan Aquino  sa ikalawang quarter ng 2014.

Nabatid na sa third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa nitong Setyembre 26 hanggang 29, tumaas na sa “good” +35 ang net satisfaction rating ng pamahalaan.

Sinabi ng 1,200 respondent na edad 18 pataas, 59 porsiyento sa mga ito ang nagsabing kuntento sila sa trabaho ng administrasyon, 24 porsiyento ang hindi kuntento at 16 porsiyento ang hindi sigurado.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa panayam kay  Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa Quezon City, sinabi nitong patuloy na magtatrabaho ang pamahalaan para maramdaman ng mamamayan  ang  paglago ng ekonomiya.

Aniya, patuloy na pahahalagahan ang mga proyekto ng pamahalaan na pakikinabangan ng taumbayan at kaunlaran ng komunidad.