SUPERLIGA-pic-copy-619x481

Mga laro bukas (Cuneta Astrodome):

2pm -- Cignal HD vs. Generika

4pm -- Mane N Tail vs. RC Cola Air Force

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

6pm -- PLDT vs. Bench/Systema

Tulad ng isang magiting na sundalo ay humugot ng inspirasyon ang RC Cola Air Force Raiders sa pagkawala ng ama ng coach nito na si Rhovyl Verayo upang maipanalo ang laban at dungisan ang dating walang talong Petron Blazers sa 2014 Philippine Super Liga Grand Prix na handog ng Asics sa Cuenta Astrodome.

Napuwersa na gampanan ang responsibilidad bagaman namimighati ang head coach ng koponan nito na si Verayo, inialay ng Raiders ang laban at ginawang sandigan bilang misyon ang pagpapataob sa Petron Blaze Spikers sa loob ng apat na set, 25-20, 25-20, 16-25, at 25-22.

“Inialay namin kay coach Rhovyl (Verayo) ang laro bilang pagbibigay pugay sa kanyang yumaong ama. Ayaw sana namin ipamalita pero nararapat lamang bigyan ng pagkilala ang dapat bigyan ng pagkilala lalo na isang mabuting ama ang father ni coach,” sabi ng isang opisyal ng Raiders.

Ang panalo ng Raiders, na nagtulak dito sa dalawang koponang ikalawang puwesto sa kartadang 4-3 panalo talo kasalo ang Generika Life Savers ay nagtala sa isang linggo ng matitinding upset sa torneo na lalong nagpahigpit sa labanan para sa apat na silya sa semifinals at dalawang tutuntong sa kampeonato.

Nagawang bumalikwas ng RC Cola-Air Force mula sa puno ng error na ikatlong set matapos ang nag-aapoy na unang dalawang set kung saan naresolbahan nito ang hindi nasagot ng mga koponan sa nakalipas na anim na laro upang tuluyang dungisian ang malinis na karta ng Blaze Spikers sa ikaapat na set.

Ito ay matapos na magtulong sina Bonita Wise at Rhea Dimaculangan upang blangkahin ang atake nina Dindin Santiago at import na si Alaina Bergsma tungo sa pagtala ng 19-14 iskor. Nagawa pang itabla ng Petron Blaze ang laban sa 22-all subalit hindi nito napigilan ang inspiradong RC Cola-PAF na tapusin ang laban sa tatlong sunod na puntos.

Apat na Raiders ang nagtala ng double figures sa pangunguna ni Emily Brown na may 17 puntos, Joy Cases na may 14 at sina Bonita Wise at Maika Ortiz na may 13 at 11 puntos upang bumalikwas sa limang set na upset na kabiguan kontra sa Foton Tornadoes .

Nanguna si Alaina Bergsma para sa Petron sa itinalang 25 puntos habang si Dindin Santiago ay nagb igay ng contributing 13. They will next face Foton on November 20.

Samantala, nagawang makatakas ng Generika sa posibleng kapahamakan matapos nitong itala ang mahirap na limang set na panalo, 25-22, 27-29, 25-18, 22-25 at 15-12 kontra sa Mane ‘N Tail.

Itinala ni Natalia Kurobkova ang pinakamataas nitong paglalaro sa paghugot ng 30 kills, 2 blocks at isang ace upang tumapos na may game-high 33 puntos para sa Life Savers upang umangat sa ikalawang puwesto kasalo ang RC Cola-Air Force na may 4-3 kartada.

“We had a great start, but we had some minor lapses that allowed them to get back into the game,” sabi ni Generika coach Ramil de Jesus. “They tend to forget their respective roles that’s why we had trouble in claiming an early win. Fortunately, some of them, like Abby (Marano) and Michelle (Laborte) stepped up and assumed the leadership.”

Pinamunuan ni Kristy Jaeckel sa itinalang 39 puntos ang Lady Stallions na nahulog 3-5 panalo-talong karta.