Mga laro bukas (Ynares Sports Arena):

12pm -- Tanduay Light vs. Cebuana Lhuillier

2pm -- Cagayan Valley vs. Cafe France

4pm -- Jumbo Plastic vs. Wangs Basketball

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinalubong ng panalo ng Racal Motors ang kanilang bagong coach na si Caloy Garcia matapos nilang padapain ang kapwa baguhang MP Hotel, 74-65, kahapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinalitan ni Garcia, dating head coach ng Letran College sa NCAA at assistant coach ni Yeng Guiao sa koponan ng Rain or Shine sa PBA, ang dating headcoach ng Alibaba na si Jinino Manansala matapos na mag-pullout ang dating katambal na school team ng Alibaba na St. Clare College kung saan head coach naman si Manansala.

Pormal na nag-take over si Garcia noong nakaraang Miyerkules ngunit kinailangan din niyang iwanan ang koponan ng tatlong araw dahil nagtungo sila sa Davao para sa laban doon ng Elasto Painters.

“Talagang very basic lang ‘yung ginawa namin. Kasi in a very short period of time, wala talaga kaming ini-expect dahil kitang-kita naman pareho pang nag-aadjust, kami sa coaching staff at ‘yung mga players sa amin,” pahayag ni Garcia matapos ang panalo, ang una pa lamang ng Alibaba matapos ang apat na laro.

Nakatulong ng malaki para sa Racal ang naging balanse nilang opensa kung saan wala isa mang nagtapos sa double digits ngunit halos hindi nagkakalayo ang siyam na manlalaro sa kanilang mga naging output sa pamumuno nina Jeff Viernes at Raymund Jamito na kapwa nagposte ng tig-9 na puntos.

Sinundan sila ni Raffy Reyes na nagtala ng 8 puntos at nina Phil Mercader, Jamil Gabawan, Jason Ibay at Rey Publico na tumapos na may tig-7 puntos habang nag-ambag naman sina John Ambuludto at Jamil Ortuoste ng tig-6 na puntos.

Sa kabilang dako, nanguna naman para sa MP Hotel Warriors na nalaglag sa kanilang ikatlong kabiguan sa loob ng apat na laban si Hernal Escosio na nagtala ng game high 12 puntos at 16 rebounds.