Ngayon ang Pambansang Araw ng Oman, na kasabay ng ika-74 kaarawan ni Sultan Qaboos bin Said Al Said, ang ika-14 henerasyong pinag-apuhan ng founder ng Al Bu Sa-idi dynasty.

Tumupad ng tungkulin si Sultan Qaboos bin Said noong Hulyo 23, 1970. Nagsimula ang paghahari ng Kanyang Kamahalan ay nagpasimula ng bagong panahon na nagpabago sa makasaysayang kaluwalhatian ng Oman at nagbukas ng bagong kabanata ng kaunlaran, kasaganahan sa larangan ng lipunan at ekonomiya. Ang hari ay isang progressive, open-minded, at modern thinker at isang tagasuporta ng kapayapaan sa daigdig at estabilidad. Binago niya ang pangalan ng kanilang bansa mula sa “Muscat and Oman” sa “Oman” upang sumagisag sa pagkakaisa ng bansa.

Kilalang peacemaker ang Kanyang Kamahalan na noong 1998 ay ginawaran ng International Peace Award ng National Council on US-Arab relations. Ang kanyang paghahari ay kilala sa pagtatatag ng matibay na at diplomatikong pakikipag-ugnayan sa iba pang Arab states at mga kaagapay sa Arab Gulf Cooperation Council. Hinihimok ng Kanyang Kamahalan ang kalakalan na nakatuon sa kasaganahan at paglago. Regular niyang binibisita ang iba’t ibang bahagi ng Oman, at maaaring umapela sa kanya ang mga mamamayan nang personal para sa kahit na anong hinaing o kahilingan.

Bilang isa sa pinakamatatag at pinakamaunlad na mga bansa sa Arab world, tinatamasa ng Oman ang isang matibay na political, economic, at social system na pinaangat ng mahusay na pakikipag-ugnayan sa Sultanate at mga kalapit na bansa. Nasa kategorya ito ng high-income economy at isa sa pinakamapayapang mga bansa sa daigdig.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Oman sa pangunguna nina ng Kanyang Kamahalan, Sultan Qaboos bin Said Al Said at Deputy Prime Minister Fahad bin Mahmood Al Said, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.