Ngayong lalong bumibigat ang trapik habang papalapit ang Kapaskuhan, muling nagsisisihan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagbubuhol ng daloy ng sasakyan.

Muling itinutok ng MMDA ang kanyon nito sa DPWH dahil sa umanong atrasadong pagkukumpuni ng mga road rehabilitation project na nagiging ugat ng pagbibigat ng trapik.

Dahil dito, pinadalhan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ng liham si DPWH-National Capital Region (NCR) Director Reynaldo Tagudando upang humingi ng update sa 24 na nakabitin pang road project sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Iginiit ni Tolentino na dapat noong pang second quarter at third quarter ng 2014 nakumpleto ang pagkukumpuni ng mga road construction.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Dapat natapos na ang pagkukumpuni ng 24 pending road projuect noong Hulyo 29, Setyembre 3 at Oktubre 11, 2014,” pahayag ni Tolentino sa programa ng MMDA sa radyo DzBB.

Kabilang sa mga pinoproblema ng MMDA sa isyu ng trapik ay ang road project sa Tandang Sora na dapat ay natapos sa loob ng 21 araw subalit nagpapatuloy pa rin ang pagkukumpuni nito.

Pahayag ng MMDA chief na dapat na matukoy ng ahensiya ang dahilan sa delay ng mga proyekto upang makagawa sila ng karampatang hakbang sa paghanap ng solusyon sa trapi. (Anna Liza Villas-Alavaren)