Pinangunahan ng mga opisyal ng Senado ang necrological service kay dating Senate President Pro Tempore Juan Flavier kahapon.

FILE_PHOTO_Flavier_01-274x300Sa isinagawang eulogy, napagpasyahan ng mga senador na nanungkulang kasabay ni Flavier  na  tawagin siyang  “Mister Quorum”.

Sa paglalarawan ni Senator Miriam Defensor-Santiago, si Flavier ang pursigidong magkaroon ng  quorum ang mga pagdinig ng mga  komite kaya makikita  sa kanyang  record sa Senado na perfect attendance ito.

Nanungkulan bilang senador  si Flavier, na  dating kalihim ng Department of Health (DoH)  mula 1995 hanggang  2007, kasabay ni Santiago.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“His ways were simple. He had no airs. He was always for the common man. He exuded and laid down the proper values by which all men must live,” paglalarawan sa yumaong senador ni Sen. Sergio Osmeña III.

Sinabi naman ni Senator Loren Legarda na si Flavier ang nagturo sa kanya ng parliamentary procedures noong 1998, ang unang taon niya bilang miyembro ng Mataas na Kapulungan.

Dumalo rin sa necrological service para kay Flavier sina dating Senador  Robert Jaworski, Nikki Coseteng, Rene Espina at  Aqulino Pimentel Jr.