Ipagpatuloy natin ang ating paksa tungkol sa pag-aalis ng bad habits. Kung nag-iisip ka na ng items na ilalagay mo sa iyong listahan ng New Year’s Resolutions, lalo na sa pagbabagong nais mong ipatupad sa iyong pag-uugali, makatutulong ang mga sumusunod:

Magtakda ng hangganan. – Kung umabot na sa sukdulan ang iyong pangangailangang alisin ang iyong bad habits, nakatakda kang humarap sa maraming balakid. Halimbawa: Kung sinisikap mong alisin ang paninigarilyo, mapapansin mo ang ibang smoker, o makakahalubilo mo pa rin ang iyong mga kaibigan o kamag-anak na naninigarilyo. Makikita mo pa rin ang mga pakete ng sigarilyo sa mga tindahan at takatak boys sa mga lansangan. Wala ka namang magagawa roon. Ang magagawa mo lang ay ang pakiusapan ang iyong mga kaibigan at kamag-anak na huwag manigarilyo kapag kasama ka nila. Sabihin mo sa kanila na sinisikap mong umiwas sa paninigarilyo. Ang isa pang halimbawa ay ang pagwawaldas sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan. Mas makatutulong sa iyo kung magwaldas ka nang minsan isang buwan kaysa kung lang beses sa isang linggo. Palitan mo ang ugaling pagwawaldas ng pag-iimpok. Kapag nag-isip ka ng mga paraan kung paano mo mapalalago ang iyong pera ay maiiwas mo ang iyong sarili sa pagwawaldas.

Huwag pagsabay-sabayin ang bad habits. – Kapag sabay mong dinadakma ang dalawang palaka, wala kang madadakma. Magtagumpay ka muna sa pag-aalis ng isang bad habit bago mo tangkaing alisin ang iba pa. Matindi ang pagnanais mong alisin ang lahat ng bad habit mo pero huwag namang tangkaing alisin ang lahat ng ito sa isang buwelo at baka wala kang makamit kundi kabiguan lang.

Pasalihin mo ang isang kaibigan. – Maaari kang humiling sa isang kaibigan o kapatid o kamag-anak na samahan ka sa iyong ginagawang pagbabago. Pasalihin mo siya. Mas mainam kung mayroon kang kamasa na naghahangad din na mag-alis ng bad habit dahil magkakaroon ka ng ganang magpatuloy sa iyong pagsisikap. Mas ganado kang magbawas ng timbang sa gym o mag-jogging sa plasa kung mayroong kang kasamang gumagawa rin ng iyong aktibidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tatapusin bukas.