Nobyembre 18, 1928 nang ipinakilala sa mundo ang Walt Disney cartoon character na si Mickey Mouse sa “Steamboat Willie.”

Ang “Steamboat Willie”, na unang tagumpay na sound-synchronized animated cartoon film, ay unang ipinalabas sa Colony Theater sa New York.

Kinilala bilang opisyal na mascot ng Walt Disney Company, si Mickey Mouse ay isa sa pinakatanyag cartoon character sa mundo simula nang mag-debut.

Noong 1930 ay itinampok din si Mickey bilang isang comic strip character. Si Floyd Gottfredson ang gumuhit ng una niyang self-titled strip sa pahayagan, na tumagal nang halos limang dekada. Lumabas din siya sa iba’t ibang comic book at television series, kasama ang The Mickey Mouse Club.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa ika-86 na kaarawan ni Mickey ngayon, isasahimpapawid ng Disney Channel sa Amerika ang isang bagong Mickey Mouse cartoon, at isang birthday-inspired na bagong episode ng “Mickey Mouse Clubhouse.”