LONDON (AP) – Sa isang potensiyal na dagok sa kampanya ng Switzerland sa Davis Cup, umatras si Roger Federer mula sa ATP Finals kulang isang horas bago ang kanyang title match laban kay Novak Djokovic kahapon, at ibigay ang ikatlong sunod na titulo sa year-end event sa top-ranked Serb.
Sinabi ng 17-time Grand Slam champion na nasaktan ang kanyang likod sa halos tatlong oras niyang semifinal win kontra Davis Cup teammate na si Stan Wawrinka noong Linggo kung saan naisalba ni Federer ang apat na match points.
‘’Unfortunately I’m not match fit,’’ pahayag ng 33-anyos na Swiss sa crowd sa O2 Arena. ‘’I tried everything I could last night, also today: painkillers, treatment, rest, so forth, warm-up, until the very end. But I just can’t compete at this level with Novak. It would be too risky at my age to do this right now and I hope you understand.’’
Sinuportahan naman ng fans si Federer at sinalubong siya ng palakpak habang nagsasalita.
Ang Swiss ay nakatakdang maglaro para sa Switzerland sa Davis Cup final kontra France umpisa sa Biyernes. Kung makakarekober siya sa oras, balak sungkitin ni Federer ang tanging major trophy na hindi pa niya napapanalunan. Ang France ang magsisilbing hosts ng laban sa northern city ng Lille at pinili nila ang clay, isang slow surface na maaaring mas magpahirap kay Federer.
‘’I don’t think he was calculating and trying to save his body for Davis Cup final,’’ ani Djokovic. ‘’This is probably the biggest match of the season next to the final of a Grand Slam. I spoke to him, it’s a question mark for the Davis Cup final as well.’’
Ito lamang ang ikatlong pagkakataon sa career ni Federer na siya ay nag-withdraw, at lahat ay dahil sa isang back injury, kasunod ng walkovers noong 2008 sa Paris Masters at 2012 sa Doha.
Si Federer, ang pinakamatagumpay na manlalaro sa ATP Finals sa kanyang anim na panalo, ay nakaabot din sa semifinals ng Australian Open at U.S. Open at napanalunan ang kanyang ika-23 Masters title sa Shanghai noong isang buwan. Nanatili siya sa karera para sa No. 1 spot hanggang nitong linggo at isang set lamang ang inilaglag patungo sa final.
‘’I think you have some recurrent things coming back from time to time,’’ saad ng second-ranked na si Federer. ‘’It’s not that much of a surprise. I must say I’ve been feeling really good for over a year now, which has been not a surprise, but it’s been very nice. So this back spasm, whatever it might be, it’s just not a fun thing to have during the day. It’s just uncomfortable. But I’m positive and I’m hopeful that it’s going to go away very soon.’’