Dalawang kawani ng pamahalaan ang halos sabay na naiulat kamakailan dahil sa kanilang ginawa. Ang isa ay pinarangalan, ang ikalawa ay dinakip. Ang una ay si Fernando Gonzales, traffic enforcer ng MMDA, ang ikalawa, isang piskal o assistant public prosecutor ng Quezon City.

Pinarangalan si Gonzales sa pagtitinda ng kakanin sa panahong tapos ang kanyang trabaho. Dahil naka uniporme pa siya habang naglalako, may nakapansin sa kanya. Kinunan siya at inilabas ang kanyang larawan sa social media. Dinakip ang piskal sa isang entrapment operation sa utos ni DOJ Secretary Leila De Lima. Nagsumbong ang taong may kasong tangan ng piskal sa kalihim dahil siya ay kinukulit ng piskal sa halagang hinihingi nito sa kanya bilang kapalit ng desisyong ilalabas na sa kanyang pabor. Nang iabot na sa piskal ang salapi, dinamba na siya ng mga NBI. Marked money ang ibinigay sa kanya.

Sinasalamin ng dalawa ang uri ng mga kawani ng ating gobyerno, maging ang mga kawaning ito ay nasa mataas o nasa mababang posisyon kagaya ng dalawa. May kawaning kuntento na kung ano ang nararapat sa kanilang posisyong tulad ni Gonzales. Pero dahil kulang ang kanyang kinikita para sa kanyang pamilya, hindi niya ginagamit ang kanyang posisyon para dagdagan ito. Sa malinis na paraan niya pinagdudugtong ang mga pangaraw-araw nilang kailangan para mabuhay.

Iba si piskal, ayaw niyang paghirapan at pagpawisan ang kanyang kailangan, batayan man ito o luho. Ang masama, ginagamit niya ang kanyang posisyon tilad ng mga kagaya niyang mga ganid sa gobyerno.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang kapangyarihang taglay niya at mga kapwa niya na nasa gobyerno ay kapangyarihan ng taumbayan na dapat gamitin lang para sa taumbayan at wala ng iba pa.