Buddy-Valastro

KINUMPIRMA ng New York Police Department (NYPD) sa The Insider ang pagkakaaresto sa American celebrity chef na si Buddy Valastro, Huwebes ng umaga sa suspisyong nagmaneho ito nang lasing.

Ayon sa mga opisyal ng NYPD, si Valastro na Bartolo ang tunay na pangalan -- ay nagmamaneho ng dilaw na 2014 Corvette up 10th Ave. sa Manhattan’s west side nang magsimulang gumewang-gewang ang sasakyan sa kasagsagan ng trapiko. Ayon sa Associated Press, si Valastro ay naaresto makalampas ng alas-1:00 ng madaling araw. Hindi matukoy ng NYPD ang eksaktong level ng alcohol na nainom ni Valastro.

Arestado si Valastro, 37, sa kasong driving while intoxicated at driving while ability impaired. Ang aktor ay natakdang tumungo sa hukuman sa Huwebes ng umaga.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Ito ang unang kasong kinaharap ni Valastro, na nakilala sa palabas na Cake Boss, na ipinalabas sa TLC noong 2009. Siya ay mayroong ilang bakery na kilala sa larger-than-life culinary creations. Kamakailan lamang, si Valastro ay gumawa ng cake para sa kaarawan ni New Jersey Gov. Chris Christie.- The Insider