Idineklara ang Disbursement Acceleration Program (DAP) bilang unconstitutional ng Supreme Court (SC) dahil sa paglulustay nito ng pondo ng bayan na lumabag sa probisyon ng Konstitusyon na tanging ang Kongreso lamang ang pinahihintulutang gumawa nito. Ang ideya ng pagpapabilis ng pagre-release ng pondo para sa mga programa ng gobyerno, gayunman, ay nananatiling isang layunin na kailangang ipagpatuloy ng pamahalaan. Maraming programa at aktibidad ang namimighati sa suspended animation dahil sa mabagal o di pagre-release ng pondo kahit available pa ito.

Ang leader ng House independent bloc, si Leyte Rep. Fedinand Martin Romualdez, ay umapela sa national government upang mapabilis ang pagre-release ng pondo para sa mga lugar sa Eastern Visayas na sinalanta ng supertyphoon Yolanda noong isang taon. Ang national master plan para sa kanilang rehabilitasyon ay nilagdaan na ni Pangulong Aquino. Ang pagre-release ng pondo para sa implementasyon nito ay kailangan nang madaliin ngayon.

Sa ilalim ng P167.9 bilyong Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan, P75.6 billion ang nakalaan para sa paglilipat ng mga Yolanda survivor; P35.1 bilyon para sa infrastructure projects; P30.6 bilyon para sa livelihood projects; at P26.4 bilyon para sa social services. Ang master plan na ito ang resulta ng malawak na pag-aaral ni Secretary Panfilo Lacson na naitalaga ng Pangulong Aquino na mag balangkas nito na may konsultasyon sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno. Wala nang dahilan upang magkaroon pa ng delay sa pagpapatupad ng rehabilitation projects. Bilang karagdagan sa sarili nating pondo, nag-ambag ang international community ng bilyun-bilyon sa rehabilitation program. Malaking bahagi ng mga kontribusyon na ito ang hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang apela para sa mas mabilis na pagre-release ng pondo, hiniling ni Cong. Romualdez na idaan ang pagre-release ng pondo sa ilalim ng DAP sa mga taon na ipinatupad ito. Dapat makita ng administrasyon dito ang pagkilala sa kahalagahan ng DAP bilang isang sistema ng pagre-release ng pondo na inuudyukan ng masidhing pangangailangan upang maipatupad ang kinakailangang mga proyekto ng gobyerno.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Ang kapinsalaang idinulot ni Yolanda ay una sa maraming paran. Ibinunsod ito ng isang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa. Umani ito ng atensiyon at simpatiya ng buong mundo kung saan nagmula ang pagbuhos ng ayuda. Darating ang Papa mismo sa bansa sa Enero upang manalanging kasama ang mga biktima at magpakita ng kanyang pakikiramay sa kanilang sinapit. Maraming programa ang nagpapaligsahan para sa pondo mula sa gobyerno ngunit ang Yolanda rehabilitation program ang karapat-dapat sa pinakamataas na prioridad.