Band-Aid-sa-recording-copy-619x366

LONDON (AFP) – Itinampok ang ilan sa mga pinakasikat na musician, na kinabibilangan ng One Direction at nina Bono at Chris Martin, sa video para sa bagong Band Aid single na lilikom ng pondo para sa mga grupong nagtutulung-tulong laban sa Ebola outbreak at sa unang pagkakataon ay ipinalabas ito sa British television noong Linggo.

Iprinisinta ng organiser na si Bob Geldof ang awitin sa X-Factor talent show sa Channel ITV at sinabing tungkol ito sa “most anti-human disease”, dahil pinipigilan ng sakit ang physical contact para maiwasan ang hawahan.

Sinimulan ang music video sa mga imahe ng bitbit na bangkay ng isang nasawi sa Ebola, na susundan ng mga eksena sa Sarm Studios sa London, na may 30 music artist ang nagre-record ng awiting Pamasko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There’s death in every tear,” pag-awit ng Grammy award-winning diva na si Angelique Kidjo, na sinundan ng liriko ni Chris Martin ng Coldplay: “The Christmas bells that ring there are clanging chimes of doom.”

“Well tonight we’re reaching out and touching you,” pag-awit naman ni Bono, na ipinagpatuloy ni Seal: “Bring peace and joy this Christmas to west Africa!”

Ang awitin ng Band Aid—isang charity supergroup na binubuo ng mga British at Irish musicians—ang 30th anniversary version ng Do They Know It’s Christmas? na sinulat at ini-record ni Bob at ng kapwa singer na si Midge Ure noong 1984 kasama ang iba pang music artists sa layuning lumikom ng pondo para sa mga biktima ng matinding pagkagutom sa Ethiopia.

Ang awitin ay naging isa sa pinakamabebenta sa kasaysayan at nagsilbing inspirasyon sa napakapopular na Live Aid concerts noong 1985, na tinutukan sa telebisyon ng record-breaking na 1.9 bilyong katao sa mundo.

Wala pang plano sa live performance para sa bagong Band Aid — na kinabibilangan din nina Joss Stone at Robbie Williams — pero umaasa si Bob na agad na mamamayapag ang awitin sa music charts kasunod ng opisyal na release nito para ma-download na simula kahapon.

“We go to war. We’re going to stop this thing. Buy this song,” sinabi ni Bob noong Linggo.

“This isn’t about me, it’s not about you, it’s not about them, it’s about us,” ani Bob. “‘The reason they did this is that this thing could arrive here on a plane at any time.”

Mahigit 5,000 na ang namatay sa Ebola outbreak simula nang matukoy ang epidemya noong Disyembre 2013, ayon sa World Health Organization — karamihan ay sa Liberia, Guinea at Sierra Leone — at mahigit namang 14,000 ang kabuuang nahawahan ng sakit sa mundo.