LEGAZPI CITY – Handa na ang Albay para sa Informal Senior Officials Meeting (ISOM) ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos dito sa Disyembre 8-9, 2014.

Host ang Pilipinas sa 2015 APEC Summit at mga pulong sa paghahanda nito nito na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa. Ang ISOM ang pasimula ng sunud-sunod na ministerial at technical conferences ng matataas na opisyal mula sa 21 bansang kasapi ng APEC. Ang naturang mga kumperensiya ay hahantong sa APEC Leaders Summit sa Nobyembre 2015. Ang ISOM sa Albay ang magtatakda ng tono at tempo ng buong Summit.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, handa na ang Albay na tanggapin ang inaasahang mahigit sanlibong bisita matapos ang mga pagsasanay na ginawa ng ma ahensiya na gobyerno na sumusuporta sa lalawigan bilang host ng napakahalagang 2015 APEC Summit.

Ang Albay, ayon kay Foreign Affairs Deputy Director General Ma. Angelina M. Santa Catalina, ay napiling host ng mahahalagang kumperensiya ng APEC dahil sa “vitality and dynamism in development despite Pacific risks”. Ang lalawigan ay Global Model for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation in ng United Nations, at pinakamabilis na sumusulong na tourist destination ng bansa na lumago ng 66% nitong nakaraang 2013, ayon sa Department of Tourism na gunmaganap din ng mahalagang papel sa APEC summit hosting ng bansa.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ang mga pagsasanay at mga pulong na ginanap dito ay sinubaybayan nina APEC 2015 National Coordinating Committee (NOC) Director General Marciano A. Paynor ng Office of the President, at Foreign Affairs Deputy Director General Ma. Angelina M. Santa Catalina.