PDEA_REWARD_04_BALMORES_181114-banner-photo-copy

Tumanggap ang dalawang impormanteng sibilyan ng P4 milyon bilang gantimpala mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang magbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng mga drug pusher at pagkakasamsam ng milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa ilalim ng Oplan Private Eye.

Sa flag-raising ceremony sa PDEA headquarters sa Quezon City, pinapurihan ni PDEA Director General  Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.,ang mga impormante na kinilala lamang sa codename na “Astig” at “Asgit” na nagturo sa pinag-iimbakan ng malaking bulto ng ilegal na droga at pinagtataguan ng mga suspek.

Inaprubahan ng Private Eye Rewards Committee, na binubuo ng miyembro ng academe, non government organization, law enforcement, religious at business sector, ang isang resolution na nagbibigay ng P4 milyong reward  sa dalawang impormante matapos sila sumailalim sa screening process.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang dalawang importante ay iniharap ni Cacdac sa media habang suot ang ski mask upang ikubli ang kanilang pagkakilanlan.

Si Astig ay tumanggap ng P2 milyon matapos magbigay  ng impormasyon na nagresulta ng pagkakakumpiska ng 276.782 kilo ng shabu at pagkakadakip ng dalawang Filipino-Chinese sa isang pagsalakay sa Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga noong Setyembre 12, 2014.

Habang ang P2 milyon ay ipinagkaloob naman kay Asgit na nagbigay ng impormasyon na nagresulta ng pagkakadakip sa tatlong drug personality kabilang ang dalawang Chinese at pagkakakumpiska ng 187.92 kilo ng shabu at 189.07 kilo ng ephedrine sa isang raid noong Setyembre 12, 2014 sa Barangay San Jose sa San Fernando, Pampanga.