Dahil sa sobrang dami ng local government units (LGUs) na nais maisagawa ang family-oriented at community physical fitness program na Laro’t-Saya, PLAY N’ LEARN, pinaplano na ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na doblehin ang bilang ng mga aktibidades sa 2015.

Napag-alaman kay Garcia na maraming mga lokal na opisyal ang personal na tumawag sa ahensiya upang ipahayag ang interes at pagnanais na maisagawa rin ang mga programa sa kanila na inendorso ng Palasyo ng Malakanyang para sa libreng pagtuturo ng iba’t ibang sports at aktibidad sa mga pamilya.

“Actually, we are looking for the regionalization of the program. But at the way it is going, maraming opisyales ang nagsasabi at tumatawag sa atin na nag-iinquire kung paano maisasagawa agad sa kanila ang programa,” sinabi ni Garcia.

“Maybe, we will double it next year dahil sa dami ng request,” giit pa ni Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabatid kina PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr., na siyang PSC Laro’t-Saya project director, at Dr. Larry Domingo Jr., siyang project manager, na mayroon ng 11 local government na pinagsasagawaan ng programa na libreng itinuturo mula sa 11 sports.

Unang ginanap ang programa, tuwing Linggo, sa Burnham Green sa Luneta Park bago sinundan sa Quezon City sa Quezon City Memorial Circle tuwing Sabado.

Sumunod naman ang probinsiya ng Cavite sa Kawit na ginaganap naman sa Aguinaldo Freedom Park.

Nagsisunod na rin ang Bacolod City, Iloilo City, Davao City at Cebu City at ang pinakahuli ay ang Parañaque City.

Sisimulan na rin ang programa sa darating na Nobyembre 29 sa Burnham Park sa Baguio City, gayundin sa Tagum City sa kanilang People’s Park sa Disyembre 13 at ang kandidato bilang “New Seven Wonders of the World” at Heritage Site sa Vigan City sa Disyembre 21.

Tatlong iba pang lungsod ang nagnanais na masimulan na rin ang programa ngayong taon bagamat hindi pa napinalisa ang kanilang pakikipagkasunduan sa ahensiya ng gobyerno sa sports.

Samantala, umabot sa kabuuang 511 katao ang lumahok sa Burnham Green sa Luneta Park kahapon kung saan ay 233 sa Zumba, 26 sa arnis, 86 sa badminton, 42 sa chess, 53 sa football, 5 sa karatedo, at 66 sa volleyball.