PopeStreamer01_MPD_kjrosales_161114-619x407

Magawa kaya ni Pope Francis na higitan ang record ni Pope John Paul II sa misa ng Papa na pinakadinumog sa kasaysayan?

Enero 1995 nang idaos sa Pilipinas ang World Youth Day at pinangunahan ni Pope John Paul II—ngayon ay Saint John Paul II—ang isang misa sa Rizal Park na dinaluhan ng mahigit limang milyong katao. Ito ang pinakamalaking papal gathering sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko.

Pinaniniwalaang hindi imposibleng dumugin din ng milyunmilyon ang misa ni Pope Francis sa unang beses na pagbisita niya sa bansa sa Enero 15-19, 2014.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa isang pahayag nitong Biyernes, mismong si Executive Secretary Paquito Ochoa ang nagsabing “in the millions” ang inaasahang dadalo sa misa ni Pope Francis sa Quirino Grandstand sa Enero 18.

Dadalaw sa bansa ang Papa para saluhan sa pananghalian ang mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Tacloban City, Leyte. Ang lungsod ang pinakamatinding hinagupit ng bagyo na pumatay sa mahigit 6,000 katao nang nanalasa sa Eastern Visayas noong Nobyembre 8, 2013.

Magmimisa rin ang Papa sa Tacloban.

Bago bumiyahe sa Pilipinas ay bibisitahin muna ni Pope Francis ang Sri Lanka sa Enero 12-15, ang ikalawa niyang pagtungo sa Asia na nagkukumpirmang prioridad ng kanyang pontificate ang rehiyon.

Nagsagawa ng pilgrimage sa South Korea Agosto ngayong taon, sa Sri Lanka ay pangungunahan ni Pope Francis ang canonization ng unang santo ng bansa na si Rev. Giuseppe Baz, isang misyonero noong ika-17 siglo na inspirasyon sa pagbabalik ng pananampalatayang Katoliko sa Sri Lanka.

Matagal nang ikinokonsidera ang Asia bilang kinabukasan ng Simbahang Katoliko; na patuloy na dumadami ang mananampalataya sa rehiyon habang nananamlay naman ang relihiyon sa tradisyunal na Kristiyanong Europe. Bagamat isang minority religion sa lahat ng bansa sa Asia maliban sa Pilipinas—na 80 porsiyento ng mga Pinoy ay Katoliko—mas marami ang nabibinyagang Katoliko sa rehiyon taun-taon kumpara sa Europe, ayon sa Vatican statistics.