TRIP na trip pala ng kilalang aktor ang baguhang aktres na puring-puri ng lahat dahil bukod sa maganda ay magaling umarte.

Kuwento sa amin ng ilang taong nakakausap ng kilalang aktor, sinigurado raw sa kanila na mapapasagot niya ang baguhang aktres sa loob ng isang buwan at sisiguraduhin din daw ng aktor na hindi siya makakalimutan ng dalaga.

May kayabangan at kapilyuhan ang pagkakasabi ng kilalang aktor sa mga taong pinagkuwentuhan niya kaya nag-alala sila para sa baguhang aktres na baka mapunta lang sa wala ang pinaghihirapan nitong pangalan.

Kaya ang ending, ang mga taong pinagkuwentuhan ng kilalang aktor ang mismo nang nagbabantay sa baguhang aktres dahil gusto nilang mag-succeed sa buhay ang dalaga.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Kung tutuusin ay wala namang sabit si Kilalang Aktor, ‘kaso me kayabangan at kapilyuhan nga ito. Sabi na rin ng mga nakakakilala sa aktor, ito ang tipo na hindi seseryosohin ang baguhang aktres lalo’t marami pang pangarap ang binata in terms of showbiz career dahil breadwinner siya.

Pero inuuna niya ang kayabangan at kapilyuhan, at ito ang pipigil sa kanya para sumikat nang husto. Pustahan, mauunahan pa siyang sumikat ng mabait at mahusay na aktres na pinag-iisipan niya ng masama. 

Ang clue, pakitanong po si Bossing DMB, ha-ha-ha-ha. --Reggee Bonoan

(Kung may time, may humor din naman si Reggee. Yes, dear readers. Yes, minamahal naming mga mambabasa, kilala ko ang aktor at ang mabait at mahusay na aktres. Kapag nawalan ako ng humor, papangalanan namin ang mayabang at kulang sa konsensiyang aktor na ito. --DMB)