Umapela ang Malacañang sa grupo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, na nagbanta na magsasagawa ng “mass leave” kung hindi mapagbibigyan ang hiling na umento sa sahod, na pag-isipang mabuti ang pinaplanong mga kilos-protesta alangalang sa kapakanan ng mga estudyante.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na dapat na isaalang-alang ng grupo ang kapakanan ng kani-kanilang estudyante dahil nakasalalay sa kanila ang edukasyon ng mga ito.

“We continue to further our engagements with our teachers who may have grievances,” sinabi ni Valte sa panayam ng DZRB.

Kasunod ng malawakang sit-down strike noong Biyernes, nagbanta ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng mass leave kung hindi mapagbibigyan ang iginigiit nilang dagdag-suweldo. - JC Bello Ruiz
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente