Isang sundalo ng Philippine Army ang pinagbabaril umano ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang papunta sa isang bangko upang i-withdraw ang kanyang bonus sa Sorsogon kahapon ng umaga.

Kinilala ni Maj. Angelo Guzman, AFP-Southern Luzon Command (Solcom) spokesman, ang pinaslang na sundalo na si Cpl. Zaldy Bengua, miyembro ng 9th Infantry Battalion.

Sinabi ni Guzman na patungong Poblacion si Bengua kasama ang isa pang sundalo lulan ng isang tricycle ng ito ay biglang lapitan at pagbabarilin ng mga pinaghihinalaang NPA dakong 7:00 ng umaga sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon.

Habang si Bengua ay nakaupo sa likuran ng driver ng tricycle, may nakasakay ding tatlong magiina sa sidecar nang paulanan ng bala ng mga salarin ang sundalo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakuha pa umanong magpaputok si Bengua ng kanyang service pistol subalit napuruhan ito sa unang bugso ng bala na ipinutok ng mga NPA. - Elena Aben