Kris-Aquino_REGGEE-copy

TAMA ang sapantaha namin na hindi nakapag-shoot ng ABS-CBN Christmas Station ID 2014 si Kris Aquino dahil sa pagiging abala niya sa shooting ng Feng Shui 2.

Pangalawa, nasa Japan ang Queen of All Media nang kunan ang pasasalamat ng mga artista at news anchor ng ABS-CBN sa mga taong pinagkakautangan nila ng loob.

Ito ang post ng headwriter ng KrisTV na si Darla Sauler:

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

“Sa kanyang (Kris) post kagabi ng picture nila ng presidente ng Mexico – ‘His Excellency President Enrique Pena Nieto’, na sinalubong niya on behalf of her brother President Noy, may isang nag-comment kay Krissy, nagtatanong kung bakit nga wala siya sa station ID.”

Ito ang sagot ni Kris: “(@idmaykel) I was in Japan taping KrisTV when the Thank You spiels were being taped, then super na busy sa FENG SHUI.”

Hayan maliwanag na kung bakit wala si Kris Aquino sa bagong Christmas station ID ng ABS-CBN.

Siguro naman matitigil na ang kung anu-anong mga espekulasyon, kasama na ang haka-haka na baka may plano na raw lumipat sa ibang TV network si Kris.

Lipat agad-agad? Hindi ba puwedeng busy lang sa maraming trabaho kaya hindi nakapag-taping para sa naturang station ID?