BILANG paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan, muling binuksan sa publiko ang tinaguriang biggest tiangge sa Pilipinas, ang Grand Taytay Bazaar noong Sabado, Nobyembre 15.

Taglay ang sukat na 5,000 square meters at binubuo ng 600 stalls, siguradong makahahanap at makapipili ang shoppers ng maaaring iregalo para sa kanilang mga minamahal mula sa mga damit, kurtina, laruan, bag, sapatos, furniture, alahas, at may mga makakainan din sa tama at abot kayang halaga.

Sinisiguro rin ang seguridad ng mga mamimili, dahil mayroong first aid unit kung sakaling mayroong mahilo o anumang emergency.

Ayon kay Nicky Andres, managing director ng Grand Taytay Bazaar, nais niyang maging masaya ang mga mamimili habang nasa kanilang bazaar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We have lots of shops. We have lopts of products. Ang gusto ko nandiyan na lahat kapag nag-shopping sila. At comfortable sila kapag nag-shopping,” aniya.

Sinabi rin ni Nicky na, “We want the Grand Taytay Bazaar to be a showcase of what we have and what we can do. As a community, Taytay is progressive Taytay is still a laid-back municipality but it has the feel of a city.”

Matatagpuan ang nasabing bazaar sa tabi ng SM Taytay. Ang Taytay ay tinaguriang “Woodworks and Garments Capital of the Philippines.”