BALER, Aurora - Umaasa ang dating leader ng Aurora-Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP/NDF/NPA) na si Delfin Pimentel na makalalaya siya bago mag-Pasko mula sa Aurora Provincial Jail makaraang siyang maabsuwelto sa 11 sa 13 kasong isinampa laban sa kanya, partikular na ang multiple murder.

Sa panayam kay Pimentel, na kilala sa bansag na Tanda at tumayong pinuno ng mga rebelde sa Aurora siyam na taon na ang nakalilipas, tanging illegal possesion of firearms at frustrated murder na lang ang mga haharapin niya sa korte.

Si Pimentel ay 20 taong naging kasapi at namuno sa CPP-NPA hanggang 2005 at naaresto noong 2009 sa Barangay Umiray sa Dingalan, Aurora.

Sinabi ni Pimentel na wala na siyang balak na bumalik sa kilusan kapag nakalaya siya at sa halip ay haharapin ang pagbabagong-buhay kapiling ang kanyang pamilya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina