Lalo pang humigpit ang labanan para sa pinag-aagawang unang puwesto sa women’s division ng 2014 Philippine Super Liga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics matapos ang isinagawang upset na mga panalo ng nasa ibabang koponan sa nakalipas na mga laban sa Cuneta Astrodome.

Habang sinusulat ito ay nagsasagupa pa sa ganap na alas-2:00 ng hapon ang RC Cola-Air Force at nangungunang Petron sa kababaihan na sinundan din ng krusyal na salpukan sa pagitan ng Generika at nagpapakitang gilas na Mane ‘N Tail sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Nagsagupa naman sa ganap na alas-6:00 ng gabi ang kapwa nasa hulihan sa men’s division na Maybank at Bench-Systema na kapwa hangad makaagaw ng puwesto sa kampeonato.

Huling itinala ng Foton ang nakaririnding upset matapos na biguin sa loob ng limang set ang RC Cola-Air Force, 22-25, 15-25, 25-20, 25-22, 15-11, upang buhayin ang tsansa sa kampeonato sa ikalawa nitong panalo sa torneo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Unang nagtala ng upset ang Tornadoes matapos na gulantangin ang Mane ‘N Tail bago nabigo sa loob ng straight-set kontra sa Generika noong Biyernes.

“We are taking it one game at a time,” sinabi ni Foton coach Villet Poncede Leon. “We are a very raw team. We want to win as many games as possible. We want to see results, not just playing very good.”

Nagtulong ang Russian imports na sina Irina at Elena Tarasova sa pagtala ng 29 at 25 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Foton na iniangat ang kartada sa 2-6 (panalo-talo) kartada.

Muli naman nagpakita ng husay si Kristy Jaeckel upang bitbitin ang Mane ‘N Tail sa maigting na 14-25, 25-17, 28-26, 25-21, panalo laban sa dumadausdos na Cignal HD Spikers.

Isa na marahil sa “most explosive import” sa liga, nagposte ang magandang American hitter ng game-high 36 puntos para sa Lady Stallions upang hablutin ang ikatlong panalo sa loob ng pitong laro sa women’s division ng prestihiyosong interclub tournament na inorganisa ng Sports Core kasama ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Tumapos si Jaeckel na may 31 kills, 4 service ace at 1 block, upang ikasa ang pagiging “most productive performance” matapos na magsalansan ng 26 at 27 puntos kontra sa Generika at Foton sa huli nilang laro.

“She really wants to win,” pahayag ni Mane ‘N Tail coach Francis Vicente patungkol kay Jaeckel na siyang may hawak ng league record na 40 puntos sa isang laro. “You can see the fire in her eyes. She did everything to give us this victory. She carried us on her shoulders. She remains the heart and soul of this team.”