LIMAY, Bataan – Iniulat ng pulisya ang pagkakabuwag nito sa isang robbery gang matapos maaresto ang tatlo sa mga hinihinalang miyembro nito sa Limay, Bataan.

Sinabi ni Senior Supt. Rhodel Sermonia, bagong direktor ng Bataan Police Provincial Office, na dinakip ng kanyang mga tauhan sina Allen Francis, 27, ng

Barangay Wawa; Lemuel Remulin, 22, ng Bgy. Kitang; at Paulino Trajano, 27, ng Bgy. Luz, pawang sa Limay.

Ayon kay Sermonia, sangkot ang tatlo sa mga pagnanakaw at iba pang krimen sa lalawigan. - Mar Supnad
Probinsya

Rockfall events, PDCs, at pagbuga ng abo, patuloy binabantayan sa Mayon; ‘Alert Level 3,’ nakataas pa rin