“Maganda pero mahal.”

Ganito inilarawan ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga silid-aralan ng Makati Science High School (MSHS) makaraang magsagawa ito ng ocular inspection kahapon bilang bahagi pa rin ng isinasagawang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa Makati City kung saan isinasangkot si Vice President Jejomar C. Binay.

Base sa mga dokumentong isinumite sa kanila mula sa lokal na pamahalaan ng Makati City, aabot sa P24.6 milyon ang kada silid-aralan ng MSHS na sa pagtaya ni Trillanes ay masyado itong mahal.

“Kung extra ordinarily impressive ‘yung classrooms, it could justify the cost, pero based on what we saw, mas maganda siya compared sa mga ibang public high school pero ang classroom really ordinary,” ani Trillanes.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya maging ang isang five-star hotel ay hindi aabot sa ganoong presyo bawat kuwarto.

Sinabi pa nito na sa susunod na pagdining, malalaman nila kung magkano talaga ang tamang halaga nito batay na rin sa ipaliliwanag ng mga eksperto na kasama nila sa inspeksyon.

Sinabi naman ni Senator Aquilino Pimentel III, na maayos naman ang pagkakagawa kumpara sa Makati City Hall Parking Building pero may mga dapat ding ipaliwanag ang ilang opisyal ng siyudad.