Nobyembre 16, 1920 nang ang Qantas, ang ikalawang pinakatandang airline sa mundo at pinakamalaki sa Australia, ay opisyal na narehistro sa Brisbane, Queensland. Itinatag ito ng business partners na sina Lieutenants Hudson Fysh at Paul McGinness, Fergus McMaster, at Arthur Baird.

Bumili sila ng dalawang eroplano sa Mascot Aerodrome sa Sydney noong Agosto 19, 1920, at hindi nagtagal ay ginamit ang pangalan ng kumpanya na Queensland and Northern Territory Aerial Services Limited (Qantas). Si McMaster ang unang chairman nito.

Taong 1935 nang unang magkaroon ng international flight ang Qantas. Noong 1979, ito ang unang airline na nag-alok ng hiwaly na Business Class para sa international flights. At noong 1989 ay nagkaroon ito ng pinakamahabang non-stop commercial flight sa mundo, mula London patungong Sydney.

Tinatawag din na “The Flying Kangaroo,” kasalukuyang nakabase sa Sydney ang Qantas.
National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets