Itinuturing ng Pilipinas na “friend” ang China pero paninindigan nito ang inihaing arbitration upang maresolba ang territorial dispute ng dalawang bansa sa West Philippine Sea, ayon sa Malacañang.

Pinabulaanan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pangamba na posibleng ibasura na ng bansa ang kasong inihain nito sa United Nations tribunal para angkinin ang nasabing teritoryo kasunod ng nabawasang tensiyon ng dalawang magkalapit na bansa.

Matatandaang nakipagpulong kamakailan si Pangulong Benigno S. Aquino III kay Chinese President Xi Jinping sa Asia Pacific regional summit sa Beijing, China at nagkasundong paiigtingin ang ugnayan ng dalawang bansa at reresolbahin ang mahahalagang usapin sa maayos at constructive na paraan.

“Una, ang relasyon ng China at Pilipinas ay multifaceted. Hindi lang ito nakabatay sa away sa China sa South China Sea. Kung paano inilalarawan ni Secretary del Rosario ang arbitration ay kung paano ito inilarawan ng United Nations, na nagsabing ang arbitration ay hindi isang unfriendly act,” sabi ni Lacierda.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“In fact, having an arbitration, having a third party determine the entitlements between friends and I think that’s a good way of saying: ‘We’re friends. Let’s have a third party clarify the entitlements between us,’” dagdag ni Lacierda.

Sinabi niya na ang arbitration case ay isang “way of resolving disputes based on the rule of law and based on international law.” - Genalyn D. Kabiling