Pitong Pilipinong mandirigma ang magpapakita ng kanilang tikas sa harap ng kanilang mga kababayan sa susunod na buwan sa Mall of Asia Arena.

Ang tinaguriang “pack of 7†ay pangungunahan ng walang iba kundi ng international mixed martial arts star na si Brandon Vera, na kasalukuyang abala sa paghahanda para sa kanyang debut sa One Fighting Championship (One FC) sa Disyembre 5.

Ang “One FC: Warrior’s Way†ang ikalimang edisyon ng organisasyon sa bansa, at ang star-studded fight card ay kinapapalooban ng pito sa pinakamagigiting na Pinoy MMA superstars na makikipagtagisan ng tibay sa kanilang foreign opponents.

Ito ang unang laban ni Vera sa Asia at masusubok ang kanyang galing laban sa Ukranian na si Igor Subora sa heavyweight division.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bukod sa Filipino-American na si Vera, ang iba pang Filipino fighters na sasabak sa aksiyon ay sina Jujeath Nagaowa, Ana Julaton, Rene Catalan, Honorio Banario, Kevin Belingon, at fan favorite na si Eduard Folayang. Sina Nagaowa at Julaton ay kapwa nakagawa na ng pangalan sa larangan ng boxing, kung saan si Julaton ay dating tinanganan ang WBO at IBA super bantamweight belts.

Kilala naman sa pagiging kampeon sa wushu sina Catalan, Banario, Belingon at Folayang.

Hahamunin ni Julaton ang Egyptian kickboxing champion na si Walaa Abbas, habang susubukan naman ni Banario na makabalik sa title contention matapos ang dalawang sunod na pagkabigo. Hindi naman ito magiging madali sa kanyang pakikipagtunggali sa Brazilian jiujitsu world champion na si Herbert Burns.

Sa kabilang dako, itataya ni Folayang ang kanyang winning streak laban sa Russian na si Timofey Nastyukhin. Ang dating wushu champion sa Southeast Asian Games ay galing sa dalawang sunod na panalo laban kina Vincent Latoel at dating One FC lightweight world champion Kotetsy Boku, at sakaling manalo siya kontra Nastyukhin, mahihirapang ipagkaila sa kanya ng matchmakers ang hinihiling na title opportunity.

Ang mga tiket para sa “One FC: Warrior’s Way†ay mabibili na online sa www.smtickets.com.