BANGUED, Abra - Itinaas na sa P200,000 ang pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumatay noong Oktubre 8 sa isang empleyado ng Department of Justice (DoJ) sa bayang ito.

Sa Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting ay ipinahayag ni Gov. Eustaquio Bersamin ang karagdagang P100,000 sa pabuya na inaasahang makatutulong para mapadali ang pagresolba sa kaso at mabigyan ng hustisya ang pamilya ni Jacinto Jack Turquez, dating miyembro ng media, at kawani ng Provincial Prosecutors’ Office sa Abra.

Matatandaan dakong 6:20 ng gabi noong Oktubre 8 nang pagbabarilin at mapatay ng pinaniniwalaang hired killers si Turqueza.

Una nang inihayag ni Police Regional Office (PRO)-Cordillera director Chief Supt. Isagani Nerez ang paglalaan ng P100,000 mula sa Guardians Reform Advocacy and Cooperation Towards Economic Prosperity (GRACE), isang non-government organization sa Baguio City.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Siniguro naman ni Nerez sa PPOC na hindi titigil ang pulisya laban sa masasamang elemento sa Abra, iginiit na target ng Abra Shield ang mga hired killer at private armed group sa probinsiya. - Rizaldy Comanda