Bukod sa mas mababang singil sa kuryente, lalong makatitipid sa gastusin ang mga Pinoy sa paggamit ng LED o light emitting diode sa mga dekorasyong Pamasko, gaya ng Christmas lights.

Hinimok ng Manila Electric Company (Meralco) ang publiko na gumamit ng LED Christmas light na mas mahal ngunit maituturing na mas praktikal dahil napatunayang makatitipid ng P56 kada buwan sa kada 100 bulbs ng Christmas light bukod pa sa tumatagal ito nang 49,000 oras kumpara sa iba.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Meralco ang publiko na ugaliin ang pagtitipid sa kuryente, gaya ng paggamit ng electrical appliances na mas mababa ang konsumo ng kuryente, at ang kaligtasan sa paggamit ng kuryente, tulad ng pagtatanggal ng Christmas lights at iba pang gamit sa saksakan bago matulog.

Ayon sa Meralco, matatapyasan ng P0.41 kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan dahil mas mababa ang generation charge at hindi paggalaw ng presyo sa merkado, bunsod ng pagkakaroon ng sapat na supply bunga ng kawalan ng forced shutdown ng mga planta.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente