Nadakip ang suspek sa pagpatay sa isang hairdresser at taxi driver sa Lagro, Quezon City noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Senior Superintendent Joel Pagdilao ang suspek na si Larry Benuya, 38, body guard at residente ng Bgy. Minabuyok Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Dennis de Leon, station commander ng QCPD Fairview police station, dakong 8:30 ng umaga noong Biyernes nang mahuling nagtatago si Benuya sa isang drainage sa Casa Milan Subdivision, Bgy. Greater Lagro, Quezon City. Nakuha sa kanya ang limang blangkong bala ng kalibre .45 baril, magazine at cellphone.

Nobyembre 12, 2014 nang barilin ng suspek ang hairdresser na si Jake Gasper sa loob ng salon sa No. 005 (A) Crystal Building, Quirino Highway, Bgy. Pasong Putik, QC. Binaril din niya ang taxi driver na si Norberto Espiritu Jr. nang tumanggi itong isakay siya.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras