Natuldukan na ang pagtutulak ng ilegal na droga ng hepe ng isang bus terminal sa operasyon na isinagawa ng mga tauhan Quezon City Police District (QCPD) sa EDSA, Quezon City kamakalawa.

Sa report ni Supt . Roberto Razon kay QCPD Director Chief Supt. Joel Pagdilao, kinilala ang suspek na si Noel Pallorina, 50, terminal master at pangulo ng unyon ng Jac Liner na nakabase sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng District Anti –Illegal Drugs (DAID), dakong 4:00 kamakalawa ng hapon nang masorpresa ng mga operatiba ng DAID si Pallorina sa tanggapan nito sa likod ng terminal.

Isang poseur buyer ang nagdala ng shabu sa tanggapan ng suspek at nang nagbayaran na sila, agad na dinakma at pinosasan ng mga operatiba si Pallorina.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nakuha sa suspek ang walong sachet ng shabu, drug paraphernalia at libong halaga na drug money.

Nabatid na si Pallorina ang siyang nagtutulak ng shabu sa ilang mga driver at konduktor ng Jac Liner kung saan matagal na niya itong sideline.