Ano ang nangyayari kapag hindi sinunod ng isang bata ang utos ng kanyang magulang? Nangangahulugan ba ito na itatakwil na ng magulang ang kanyang anak o ipagtabuyan palabas ng bahay? Siyempre hindi! Pamilya sila, eh. Ngunit nagkaroon ng kaunting lamat ang kanilang relasyon. Kailangang aksiyunan ang pagsuway upang maalis ang hindi komportableng distansiya at hindi nakikitang harang na nasa pagitan nila.

Pareho rin kapag tayo, bilang mga mananampalataya, ay sumuway sa Diyos. Kapag nagkasala tayo, mayroon pa rin tayong lugar sa pamilya ng Diyos at makaaasa tayo sa pagmamahal ng Ama. Ngunit nagdudulot ng kalumbayan sa Kanya ang ating pagkakasala. Naglalagay ang kasalanan ng harang sa pagitan natin at ng Diyos, at hindi natin hinahangad na umayos tayo sa Diyos uli kapag tayo ay nagkasala. Kailangang gumawa tayo ng paraan. Kapag nagkasala o gumagawa tayo ng kasalanan, nangangahulugan iyon maaaring walang tunay at nakaliligtas na relasyon doon. Maaaring madaling huwag na lamang nating pansinin ang ating mga kasalanan o kasalanan ng ibang tao dahil karaniwan lang ang mga iyon. Ngunit kapag nagkasala ang isang tao at palagian nang nagkakasala nang wala man lang kalungkutan o pagsisisi sa kasalanang nagawa o ginagawa, ni walang indikasyon sa tao na nais nitong magbago, tiyak na naputol na nito ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos; o malamang na wala naman talaga itong relasyon sa Kanya, nagkukunwari lang na relihiyoso.

Kapag nagkasala ka at nasasaktan ka sa lumalawak na distansiya mo sa Diyos, pasalamatan mo na lang ang Diyos sa sakit na nararanasan mo. Isang hudyat iyon ng iyong tunay na relasyon mo sa Diyos. At kung wala ka namang nararamdamang lumbay sa iyong pagkakasala, marahil hilingin mo sa Kanya na ipakita sa iyo kung ano ang kahulugan ng pagtanggap mo sa Kanya bilang iyong Ama.

Ayon nga sa Mabuting Aklat: Ang mga bisig ng Diyos ay hindi mahina upang iligtas ka, hindi rin bingi upang marinig ang iyong panawagan. Ang pagkakasala mo ang humaharang sa iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists