CRUVIERS-LASCOURS, France (AFP)— Anim katao ang patay sa mga bagyo sa France, sinabi ng mga awtoridad noong Sabado, kabilang ang isang ina at kanyang dalawang maliliit na anak na lalaki nang tangayin ng baha ang kanilang sasakyan.

Sakay ng kotse ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak na may edad dalawa at isang taon, nang maipit sa binabahang tulay sa kasagsagan ng ulan sa Gard department ng southern France. Nasagip ng rescuer ang ama na ngayon ay tulala pa rin sa ospital.

Sa dulong hilaga ng parehong department, isang 50-anyos na lalaki ang namatay sa parehong paraan habang sa katabing Lozere department ay isang retiradong lalaki ang namatay noong Biyernes ng gabi nang tangayin habang nagmamaneho sa binabahang mountain road. Isang lalaking nasa 60-anyos ang namatay sa Neffes, malapit sa Gap sa timog silangang France habang inaayos ang isang tubo sa kalakasan ulan.
National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara