TEAM-FOREVERMORE-copy

ILANG oras ba ang biyahe mula sa La Trinidad, Benguet hanggang Manila, Bossing DMB?

(Apat hanggang limang oras. –DMB)

Naitatanong namin ito dahil ang paborito mong programang Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil ay one week na palang hand-to-mouth ang production. Kasi ‘yung mga kinunan ng hapon hanggang umaga ng kinabukasan sa location ay itinatakbo ng staff sakay ng service pabalik ng ABS-CBN para ma-edit kaagad dahil ieere kinagabihan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ganu’n daw kapaspas ang hand-to-mouth production ng Forevermore dahil pinapangatawanan ni Direk Cathy Garcia-Molina na genuine ang mga eksena nila o doon talaga sa Benguet ang kuha. Kaya ‘nakakulong’ sa location ang mga artista at production staff samantalang bugbog naman sa biyahe paroo’t parito ang tagadala ng nakunan nang mga eksena.

Ayon sa ABS-CBN insider, dusa ang production ng Forevermore pero masayang-masaya ang lahat dahil record-breaking ang tinatamo nilang ratings. Last Wednesday ay pumalo na sila sa all-time high na 30.2% nationwide at kinabukasan ay umakyat pa sa 31%, halos doble sa nakukuhang ratings ng katapat nilang Hiram Na Alaala.

Kaya nga raw kahit halos manlupaypay sa pressure at pagod, ganadong magtrabaho ang mga tao sa set.

Nakakabilib si Direk Cathy sa bilis niyang mag-shoot, to think na

Zanjoe sa AnnaLiza ay kabaligtaran naman dito sa Dream Dad dahil anak-mayaman at may mataas na posisyon sa kumpanya ang role niya.

At ang nakita ni Zanjoe kaya napili si Janna Agoncillo para partida pa dahil sa upland farm sa bundok talaga ang unit niya! Kudos din sa mahuhusay niyang mga artista na nakukuha kaagad ang mga gustong ipagawa sa kanila ng box-office director.

Mabuti na rin lang at magaling ang driver ng service van na gamit ng staff na on time raw lagi ang dating sa ABS-CBN at saka babalik ulit ng Benguet.

Whew! Kahit nagsulat lang ako ng mga ginagawa nila, ako ang napagod, he-he....