Halos isang linggo matapos na pormal na i-retiro ng kanyang dating koponan na Purefoods ang kanyang jersey, inimbitahan ang dating PBA Defense Minister na si Jerry Codiñera na dumalo sa mga isinasagawang ensayo at maging sa mga laro ng Star Hotshots.

Ayon kay Purefoods coach Tim Cone, inimbitahan nila si Codiñera upang mag-obserba sa kanilang mga ikinikilos at laro.

Sinabi ni coach Cone na makatutulong kay Codiñera ang pagdalaw nito sa kanilang ensayo upang matutunan nito ang triangle offense o makapulot ng ilang bagay ukol dito na maaari niyang magamit sa kanyang kasalukuyang propesyon bilang coach.

Si Codiñera ang kasalukuyang head coach ng Arellano University (AU) sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sa unang pagkakataon, sa pag-upo ng dating Purefoods center sa koponan, ay umabot sa Final Four at sa Finals sa katatapos na Season 90.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ginagamit ni Codinera ang ilan sa offensive system na gamit ni Phil Jackson sa NBA, gayundin ni Cone sa PBA.

Hindi man tuwirang diniretso ni Cone, sinasabi na hindi lamang basta makatutulong sa pagiging coach ni Codinera ang imbitasyon, kundi mas aangat pa ito bilang mahusay na coach sa hinaharap.

Inaasahan na sa mga darating na araw ay Butilmagkakaroon na rin si Codinera ng bahagi sa koponan kung saan posible siyang maging isa sa assistant coaches na malaki ang maibabahagi sa kanilang big men, base na rin sa kanyang karanasan.

Bagamat wala pang kumpirmasyon sa kasalukuyan, sinabi ng dating kakampi ni Codinera sa Purefoods at ngayon ay team manager ng koponan na si 4-time MVP Alvin Patrimonio na talagang inimbitahan nila sa team si Codinera.