LeBron James, Al Horford

CLEVELAND (AP)– Umiskor si LeBron James ng 32 puntos at naipasok ng Cleveland Cavaliers ang lahat ng kanilang 11 3-point attempts, kabilang ang siyam sa first quarter, upang durugin ang Atlanta Hawks, 127-94, kahapon.

Ang Cavaliers ang unang koponan sa kasaysayan ng NBA na nakagawa ng 9-for-9 o higit pa mula sa arko sa isang quarter, ayon sa impormasyong ibinigay sa koponan ng Elias Sports Bureau.

Naibuslo ni James ang tatlong 3-pointers sa period, habang sina Kevin Love at Joe Harris ay kapwa nagdagdag ng dalawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naitala ng Cavaliers ang team record sa pagkuha ng 19-for-31 na tres.

Ang Cavaliers, na nanalo ng apat na sunod na laro, ay nakapaglista ng 41 puntos sa first quarter, kabilang ang 11 ni James sa opening 3:34 sa orasan.

Umiskor si Paul Millsap ng 16 puntos para sa Hawks na naputol ang four-game winning streak.

Si James, na hindi naglaro sa fourth quarter, ay 13-of-20 mula sa field.

Nagdagdag si Kyrie Irving ng 20 puntos at anim na manlalaro ang umabot sa double figures para sa Cleveland.

Si Millsap ang nakaiskor sa sa Cleveland ng kalamangan sa kabuuan ng laro sa pagkuha ng Cavaliers ng 14-of-18 mula sa field.

Nagposte ang Cleveland ng 38 puntos sa final period noong Biyernes sa kanilang comeback win sa Boston at ipinagpatuloy ang kanilang mainit na opensa kontra sa Hawks.

Tangan ang 49-27 abante sa maagang bahagi ng second quarter, nakuha ng Cavaliers ang sumunod na 13 puntos upang mahawakan ang pinakamalaking kalamangan sa half sa huling 6:58 sa orasan.

Si James, na nakapagtala ng 41 puntos noong Biyernes, ay nagdagdag ng 6 rebounds at 7 assists. Napatayo niya ang crowd ng kanyang mablangka ang layup attempt ni Kent Bazemore sa third quarter.

Nagdagdag si Tristan Thompson ng 15 puntos at 11 naman ang kay Shawn Marion para sa Cleveland.

Umiskor si Mike Muscala ng 13 puntos para sa Atlanta, habang nag-ambag naman sina Al Horford at John Jenkins ng tig-12.

Resulta ng ibang laro:

Washington 98, Orlando 93

Toronto 111, Utah 93

Indiana 99, Chicago 90

Memphis 95, Detroit 88

Dallas 131, Minnesota 117