Bilang bahagi ng kanilang walang puknat na suporta sa Philippine sports, ipinagkaloob kamakailan ng PAGCOR ang P7.9 milyon sa kabuuang cash incentives sa Filipino athletes at kanilang coaches na nagwagi ng major international competitions sa taon na ito.

Sa nasabing halaga, napasakamay ng 16-anyos na si Luis Gabriel Moreno ang P2.5 milyon matapos na kubrahin ang gintong medalya sa archery sa nakaraang 22nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China noong nakaraang Agosto. Iginawad din ng PAGCOR ang P5.4 milyon sa 15 Filipino athletes at kanilang coaches na humablot naman ng gold, silver at bronze medals sa nakaraang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea noong Setyembre 19 hanghgang Oktubre 4, 2014.

Sinabi ni PAGCOR President at COO Jorge Sarmiento na ang cash incentives ay nangangahulugan upang bigyan ng motibasyon ang pambansang koponan na makapagsanay ng mabuti at sumabak sa mas pinakamataas na antas ng kompetisyon.

“Rewarding our national athletes after they emerge triumphant in any international event is not only recognizing them for what they have achieved but a demonstration of PAGCOR’S sincere appreciation for the efforts they have exerted to carry the nation proudly on their shoulder’s,” pagmamalaki ni Sarmiento.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang inilabas na cash incentives ng PAGCOR ay bilang tugon sa Republic Act 9064, kilala bilang Sports Benefits and Incentives Act of 2001. Ang batas ay gumagarantiya ng monetary rewards sa Filipino athletes at kanilang coaches na nagwagi ng major sports events. Sa ilalim ng incumbent administration ng ahensiya (mula July 2010 hanggang September 2014), naipalabas na ng PAGCOR ang halos P50 milyon na cash incentives.

Maliban sa monetary rewards, sinabi ni Sarmiento na nagkakaloob din ang PAGCOR ng pondo sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang mandato sa Republic Act 6847. Ang nasabing batas ang nagtatag sa komisyon upang himukin at masustenahan ang development ng Philippine sports.

“From 1990 to September 2014, PAGCOR has already remitted P9.92 billion to the PSC. Of this total amount, 27 percent or P2.69 billion was remitted by PAGCOR to the PSC in only four years of the present PAGCOR management. This funding greatly aided in the training of our Pinoy athletes,” dagdag ni Sarmiento.

Pinuri naman ni PSC Chairman Richie Garcia ang walang katapusang assistance na ibinibigay ng PAGCOR sa PSC upang mas lalong mapalakas ang mga programa ng ahensiya kung saan ang mga atletang Pilipino ang nabebenipisyuhan.

“We are very thankful for PAGCOR’s untiring support. Our sports program are up and running and our athletes are now more inspired to perform beyond their capacity as they know that their sacrifices are fully recognized and aptly by the government,” pahayag ni Garcia.

Isa sa nagbigay ng maniningning na kampanya ng Pilipinas sa nakaraang 17th Asian Games ay si amateur boxer Charly Suarez, na tumanggap ng P.5 milyon, makaraang hablutin nito ang silver medal. Sinabi ng 26-anyos na slugger na ito’y isang napakalaking blessing kung saan ay hangad nitong ibahagi sa kanilang simbahan upang pasalamatan ang Panginoon.

“Iyon po ang paraan ko ng pagpapasalamat sa Panginoon na siyang nagbigay sa akin ng lakas at galing upang manalo sa Asian Games. Kailangan kong ibalik sa Kanya ang pagpapala dahil kung hindi sa Kanya ay hindi ako makapagbibigay ng karangalan sa ating bansa. Maraming salamat din sa PAGCOR sa malaking biyaya na ito,” pahayag ni Suarez.

Samantala, tumanggap si Filipino-American cyclist Daniel Patrick Caluag ng P1 milyon sa pagkakaloob nito ng unang gintong medalya sa Pilipinas sa BMX event sa 2014 Asiad. Napagkalooban din ng P.5 milyon ang trainer ni Caluag.

Ang iba pang Asian Games silver medalists na tumanggap din ng tigP.5 milyon sa PAGCOR ay sina wushu fighters Daniel Parantac at Jean Claude Saclag. Nabiyayaan naman ang kanilang mga coach ng P250,000.

Tumanggap naman ng P100,000 ang bawat bronze medalists sa kanilang mga sports events. Kasama na dito sina archer Paul Marton dela Cruz, boxers Mario Fernandez, Mark Anthony Barriga at Wilfredo Lopez, karatedo mae Soriano, taekwondo Jins Levita Ronna Ilao, Samuel Thomas Harper Morrison, Mary Anjelay Pelaez, Benjamin Keith Sembrano at Kristie Elaine Alora at wushu Francisco Solis. Tumanggap din ng tig-P50,000 ang kanilang mga coach.