NEW YORK (AFP) – Namaalam na ang American old school rapper na si Henry Jackson na mas kilala bilang Big Bank Hank ng The Sugarhill Gang noong Martes sa edad na 57.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo, pumanaw ang rapper sa isang ospital sa Englewood, New Jersy, sanhi ng cancer.
“So sad to hear of our brother’s passing. Rest in peace Big Bank,” pahayag ng mga miyembro ng Wonder Mike at Master Gee.
Ipinanganak si Jackson noong 1960s sa Bronx ngunit ang Sugarhill Gang’s Rapper’s Delight ang naging unang kanta nito na pumasok sa Top 40 chart noong 1980.
Unang nagtrabaho ang rapper sa isang nightclub bilang bouncer at tagamasa ng harina sa paggawa ng pizza at sumama nang yayain siya ni Sylvia Robinson, isang R&B singer na naging producer, na sumama sa isang rap group.
Inilarawan ni Jackson ang kanyang sarili bilang “Rapper’s Delight” kaya’t “I’m six-foot-one and I’m tons of fun.”
Nakilala si Robinson dahil sa tagumpay na nakamit ng Rapper’s Delight, kaya marami pa ang nagtiwala sa kanya kabilang na ang Grandmaster Flash at ang Furious Five, na kilala sa larangan ng hip-hop.