ISTANBUL (AP) – Nagtipon noong nakaraang linggo ang mga leader ng mga militanteng grupo na Islamic State at Al-Qaeda sa isang farm house sa hilaga ng Syria at nagkasundong itigil na ang pagbabakbakan at magtulungan laban sa kanilang mga kaaway, sinabi sa Associated Press ng isang mataas na opisyal ng Syrian opposition at ng isang rebel commander.
Ang kasunduan ay magiging panibagong sakit ng ulo sa estratehiya ng Washington laban sa IS.
Isang taon nang nagbabakbakan ang IS at ang affiliate ng Al-Qaeda sa Syria na Nusra Front para makuha ang kontrol sa rebelyon laban kay Syrian President Bashar Assad