Inilipat sa puwesto ang 27 district chief ng Land Transportation Office sa Metro Manila sa malawakang balasahan na iniutos ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Emilio Joseph Abaya.
Apektado ng revamp sina Atty. Beth Diaz, hepe ng Pilot division sa Quezon City-East Avenue na pinalitan ni LTO spokesman Jason Salvador. Ang Pilot division ang nagrerehistro ng lahat ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng jeep, taxi, bus at truck.
Si Engr. Joel Donato, hepe ng Motor Vehicle Inspection Service ay pinalitan ng kanyang Assistant na si August Sesperes. Si Donato ay nilipat sa Tayuman LTO.
Itinalaga naman si Liwayway Basinang bilang bagong hepe ng Pasay District Office. Si Basinang ay dating hepe ng LTO-Parañaque Extension Office.
Si Carlos Perion, dating hepe ng QC District Office ang bagong hepe ng QC Licensing Office; si Atty. Mercy Jane Paras, dating hepe ng LTO-Manila North ang bagong hepe ng LTO-Diliman District Office; si Hansley Lim naman ang bagong district chief ng LTO-Quezon City District Office, siya ay dating hepe ng LTO-Manila East District Office sa Sta. Mesa Manila. Si Fe Opina ay balik sa dating puwesto bilang hepe ng PURVC-extension office sa Pasay City, siya ay dating hepe ng LTO-La Loma District Office.
Ang bagong hepe ng LTO La Loma ay si Romeo London na dating hepe ng LTO-San Juan District Office; si Ramon Abrenica, dating hepe ng Pasay District Office ang siya namang hepe ngayon ng Las Piñas District Office.
Si Noel Batolina, dating hepe ng Pasay District Office ang bagong hepe ng Pasig District Office; at si Nida San Buenaventura, ang bagong hepe ng LTO-Parañaque District Office at si Engineer Juan Ordonio Jr., dating assistant chief ng LTO-Operations ang bagong hepe ng QCEO.
Itinuturong dahil sa malawakang balasahan ang maraming kinakaharap ng problema ng ahensiya tulad ng plaka ng mga sasakyan, drivers license at sistema sa rehistro na dapat inayos muna bago ang malawakang balasahan.