Pinagbabaril hanggang mapatay ang dalawang tauhan ng pulisya ng hindi pa kilalang mga suspek habang nagsisilbi ng search warrant sa Moalboal, Cebu kahapon.

Ang mga biktima ay kinilalang sina PO3 Fabi Fernandez, 53, at PO1 Alrazid Gimlani, kapwa miyembro ng Moalboal Police Station.

Sinabi ni PO3 Ramon Tsinel na bandang 8:00 ng gabi nang hinalughog ng mga tauhan ng Moalboal Police Station ang bahay ng isang Michael Aquino sa Barangay Tumuloy, na siyang subject ng search warrant na pirmado ni Hon. Judge Leopoldo Cañete ng Barili Regional Trial Court.

Wala sa lugar si Aquino nang isilbi ang warrant of arrest ng pulis at tanging kasamahan lamang nito na sina Phil John Ibriza, Rolly Tabanao at Allen Amad ang naaresto.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Bagamat nakaposas, nagla-ban umano ang dalawang suspek at pinagbabaril ang dalawang pulis gamit ang mga armas ng biktima.

Sa imbestigasyon, lumitaw na nagsasagawa ng imbentaryo ng mga ebidensiya ang mga tauhan ng pulisya nang bigla na lang silang nakarinig ng sunud-sunod na putok mula sa labas ng bahay.

Namatay noon din sina Fernandez at Gimlani na umaktong mga perimeter officer sa naturang operasyon.