TARLAC - Duguang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital ang dalawang nagmamaneho ng motorsiklo matapos silang magkasalpukan sa Tarlac-Sta. Rosa Road sa San Jose, Tarlac.

Nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Willie Valiente, 20, driver ng Bonus motorcycle (SM-9097), ng Barangay San Jose, Tarlac City; at Richard Guevarra, 27, driver ng Rusi tricycle na walang plaka, ng H. Cruz, Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Bandang 4:00 ng umaga noong Biyernes, patungong silangan ang motorsiklong minamaneho ni Valiente nang bigla niyang makabanggaan ang sasakyan ni Guevarra.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm