OKLAHOMA (Reuters) – Plano ni Sue Ann Hamm, dating asawa ng Oklahoma oil magnate na si Harold Hamm na binigyan ng pera at mga ari-arian na nagkakahalaga ng mahigit $1 billion sa pakikipagdiborsiyo noong nakaraang linggo, na iapela ang desisyon ng korte dahil napakaliit umano ng nasabing halaga kumpara sa yaman nila.

Pakiramdam ay tinipid siya sa desisyon na mananatili sa chief executive officer ng Continental Resources (CLR.N) ang halos 94 porsiyento ng nasa $18 billion na pagtaas sa continental share sa loob ng 26-taon nilang pagsasama, aapela si Sue Ann ngayong linggo, ayon sa kanyang abogadong si Ron Barber.

Noong Lunes, iniutos ni Oklahoma County Court Judge Howard Haralson sa CEO, pinaniniwalaang may hawak ng pinakamaraming langis sa Amerika, na bayaran ang dating misis ng $995 million. Ibinibigay din ng korte ang karagdagang mga ari-arian, kabilang ang isang rantso sa California at bahay sa Oklahoma.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza