SARSANG MARUMI ● Yuck! Kadiri! Pweh! Kakasuka! – Ito ang mga pang-uri sa isang bagay na nakasusulasok at hindi katanggaptanggap sa ating panlasa. Ito rin ang mga pang-uring sasambitin mo sa katas ng tonetoneladang nabubulok at nilalangaw na basura. Kamakailan lang, natuklasan na nagtataglay ng mataas na level ng coliform ang aklan River, sa Kalibo. Ito ang ulat ng Aklan Environment and Natural Resources (AKENRO). ang coliform ay isang uri ng mikrobyong nabubuhay sa tubig, lupa, at halaman na ang pangunahing pagkain ay ang likido sa dumi ng anumang hayop. Maaari itong makapasok sa mga tubo ng inuming tubig na nakabaon sa lupa. ayon sa AKENRO, mataas ang coliform levels sa bahagi ng Bgy. Bachao Norte sa paligid ng Kalibo dumpsite. Matagal nang inatasan ng Department of Environment and Natural Resources Office ang pagpapasara ng nasabing dumpsite pero hindi pa ito magawa dahil wala pang ibang pagtatapunan ng basura sa Kalibo. Ayon sa isang opisyal, bagaman walang dapat ikabahala kailangan munang iwasan ng mga bata at may mahihinang resistensiya na maligo sa Aklan River na malapit sa dumpsite na nasa tabi ng ilog. Posible din diumano itong makaapekto sa mga alagang hayop ng mga residente na puwedeng kanin ng tao na malapit sa dumpsite. Nariyan na ang babala ng mga awtoridad. Pakinggan man o dili ng mga taga-Bachao Norte ito, naroon pa rin ang coliform na malamang na dumami habang hindi nareresolba ang problema sa basura.

***

CINDERELLA ● Naiulat na rophinol ang ginagamit ng mga kampon ni Satanas upang maisagawa ang kailang maiitim na balak sa kanilang biktima. ang rophinol ay isang droga na ipinaiinom ng mga rapist sa kanilang bibiktimahin. Kapag nalanghap o nainom ng isang biktima ang rophinol, makatutulog ito ng hanggang dalawang araw at walang maalala sa panahong wala itong malay. Gayunman, hindi naman talaga dapat ipangamba ang mga babae kung gagamitin nila ang kanilang utak. Kapag nasa party o anumang kasiyahan, huwag mong iiwang nakabuyangyang ang iyong drink. Sasama ka lang sa mga pinagkakatiwalaan mong kaibigan (yaong handang magpakamatay para sa iyo – alam mo yun). Kung hindi talaga mapigilan ang pangangati ng iyong mga paa, magsama ka ng kapatid o magulang sa iyong mga gimik. at kapag humudyat na sa isip mong kailangan mo nang umuwi, well, ano pa ang hinihintay mo?
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20