ENERO 15, 2015 ay dalawang buwan ang layo ngunit mayroon nang malaking interes sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas simula sa araw na iyon. Bahagi ng naturng interes ay pinasidhi ng pagdaraos ng unang anibersaryo ng supertyphoon Yolanda na nanalasa noong nobyembre 8, 2013 – ang pinakamalakas na tumama sa buong daigdig. Umapela ang Papa sa buong daigdig na tulungan ang mga biktima at nagpahayag ng kanyang pagnanais na bisitahin ang Pilipinas.

Kahit walang Yolanda, isang malaking event ang papal visit sa Pilipinas, na sa 85% Katolikong populasyon nito bukod tangi sa lahat ng bansa sa Asia. natamo ng Papa ang malawak na paghahanga mula sa iba pang religious groups dahil sa kanyang kampanya sa reporma ng Simbahan at ang kanyang pagiging bukas sa iba pang pananampalataya, kabilang ang mga Mulim at Judio.

Dahil ang papal visit ay isang state visit din ng Papa bilang head of state ng Vatican, nag-organisa ang ating gobyerno at ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng isang national committee na magbabalangkas ng mga detalye ng pagbisita. Mula Manila, magtutungo ang Papa sa Tacloban City, na pinakamatinding sinalanta ng Yolanda. Magmimisa siya sa Tacloban airport, at manananghalian kasama ang ilang Yolanda survivor sa tahanan ng Arsobispo sa Palo, Leyte. Siya ang pangatlong Papa na bumisita sa Pilipinas, kasunod ni Pope Paul VI noong 1970 Pope John Paul II noong 1981 at 1995.

Sa papal visit, may mga balak na pasakayin ang papa sa isang popemobile – isang glass-enclosed na sasakyan – upang madali siyang makita ng madla sa Manila at sa Leyte. Ang Papa, gayunaman, ay kilalang nakihalubilo sa mada sa St. Peter’s Square sa Vatican at nakikipagkamay sa mga tao at humahalik sa mga paslit na iniaabot sa kanya. Maaaring ganoon din ang gawin niya kapag bumisita siya sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi natin puwedeng igiit ang pangangailangan ng pinakamahigpit na seguridad para sa Papa sa kanyang pagbisita sa bansa. Magugunita na noong dumating si Pope Paul VI sa Manila airport noong umaga ng nobyembre 27, 1970, inatake siya ng isang Bolivian na may punyal sa unang papal assassination attempt sa modernong panahon. Nasukol naman ang Bolivian at nasugatan ang Papa sa dibdib.

Idalangin natin na sana walang insidenteng tulad niyon ang makasira sa pagbisita ni Pope Francis. Makatitiyak tayo na mailalatag ang lahat ng posibleng hakbang para sa limang araw na papal visit. Sa pakikipagtulungan ng lahat, makaaasa tayo na ang pagsisita ni Pope Francis na may temang “mercy and compassion” ay umuulit na tema ng kanyang mga aral.