31Esoterica-332x500

MAY isyu pala kay Ronnie Liang na hindi nito sinipot ang premiere night ng indie film niyang Estorika Manila na opening film pa naman sa Cinema One Originals filmfest noong Linggo, Nobyembre 9.

First movie ito ni Ronnie pero 'tila hindi niya binigyan ng importansiya gayong sinugalan pa naman siya ng direktor at producer.

Nakarating sa amin na umalis patungong Amerika si Ronnie nang ipaalam sa kanya ang premiere night ng Estorika, "mas in una pa niya mag-abroad kay sa sa promo ng pelikula niya. First pa naman niya ito," sabi ng kausap naming showbiz insider.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ano nga ba ang ginagawa ni Ronnie Liang sa ibang bansa?

Kaagad namin siyang kinontak sa pamamagitan ng Facebook kahapon at tinanong kung bakit inindyan niya ang premiere night ng unang pelikula niya. Agad namang sumagot ang binatang singer, aniya:

"Nandito po kasi ako sa US para sa ilang engagements. Na-inform po ako on the day before my flight. Hindi ko naman po puwedeng i-cancel ang flight ko kasi inaasahan din po ang pagdating ko.

"Ayoko naman pong hindi siputin ang premiere night, siyempre movie ko po 'yun at excited nga ako kasi may nagtiwala sa akin, kaso last minute na po kasi ako nasabihan," paliwanag ng binata.

Sa Lunes, Nobyembre 24 ang dating ni Ronnie at nanghihinayang siya na tapos na ang Cinema One Originals film festival dahil plano sana niyang maglibot sa mga sinehan na palabas ang Estorika.

Gayunpaman, labis ang pasasalamat ni Ronnie sa Trex production, "Sa direktor kong si Direk Elwood Perez, sa Cinema One and Viva sa support and pagtitiwala po nila sa akin." Samantala, ibinalita rin ni Ronnie na maganda ang outcome ng ikatlong album niya mula sa Universal records na may titulong Ronnie Liang Songs of Love.